CLICK HERE FOR FREE BLOGGER TEMPLATES, LINK BUTTONS AND MORE! »

Tuesday, October 7, 2008

Init...

...Galing sa araw na pilit ipinadarama
ang kapangyarihang magpapansin sa tulad kong manhid
sa balat na nadarang na sa lubos na init
ng mga karanasang naganap sa akin...

...Ng mga yakap mo
na sa ala-ala ko na lamang babalikan
lalo na nang ako'y ikulong
sa pagmamahal na akala'y walang hanggan...

...Na dala ng mga luhang sana'y
dumaloy upang makita mo
na hindi madaling tanggapin...
at lalong hindi kayang tiisin
ang lahat ng sakit na idinulot
ng pag-ibig na pinilit buuin...

...Sa puso ko na nagsasabing
may karapatan pa ring umibig
at may pagkakataon pa ring sasapit
ang dating lumuha na at nasaktan...
maaari pa ring turuan...
kung iyo lamang susubukan

0 comments: